Maaari kang gumawa ng bagong shop page, i-edit lamang ang shop information at i-set-up ang delivery information upang awtomatikong maipadala sa iyong mga customer. Ang pagdagdag ng mga detalye sa iyong shop ay nagpapadali para sa iyong mga customer at audience na makahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa iyo.
1. Paglikha Ng Bagong Shop
Ang paggawa ng isang panibagong shop ay nangangahulugan ng paglikha ng isang shop na hindi pa naidagdag sa platform ng Kaojao. Siguraduhin na ang page kung saan ka kumokonekta ay hindi pa nakakonekta sa alinmang shop ng Kaojao.
(Maaaring may mga teknikal na problema kung ang parehong Facebook page ay konektado sa higit sa 1 shop)
1.1) Pumunta sa Kaojao.com at piliin ang “Manage Page at “Auto Response System” na button.

1.2) I-click sa empty box na may markang “+” upang magdagdag ng bagong page ng shop.

1.3) Piliin ngayon ang Facebook page na gusto mong kumonekta at I-click ang “I-save” na button.

1.4) Awtomatikong gagawa ang platform ng tab batay sa iyong mga selection.

2. Pag-edit ng Impormasyon sa Shop
Ang pag-edit ng impormasyon ng shop ay nagpapadali upang makonekta ang iyong mga customer at audience.
Dito maaari kang magdagdag ng contact information, pumili ng theme para sa iyong online shop. Magdagdag ng impormasyon sa pagbabayad at iba pang impormasyon para sa mga customer.
Maaari mong I-edit ang impormasyon ng iyong shop sa pamamagitan sa sumusunod na procedure:
2.1) Pumunta sa Kaojao.com at piliin ang “Manage Page and Auto-response System” na button.

2.2) Pagkatapos ay I-click ang “Manage” button para sa page na gusto mong I-edit.

2.3) Upang simulan ang pag-set up ng store, ilagay ang “Pangalan ng Store”
Pagkatapos ilagay ang pangalan ng store, I-edit ang online store link (maaari lang I-edit ang link na ito ng isang beses) at ilagay ang detalye ng shop sa description box.
I-click ang checkbox kung nais mong bumili ang iyong mga customer sa pamamagitan ng website at messenger.

2.4) Piliin ang tema at kulay ng iyong website.
Sa page ng pag-set up ng shop, maaari kang pumili ng anumang 1 theme mula sa aming 4 na Kaojao shop signature themes ( Ang libreng package ay may 1 theme lamang na naka-enable)
Pagkatapos pumilii ng isa sa aming mga signature themes, maaari mong I-customize ang iyong shop page ayon sa 6 na kulay ( grey, red, yellow, green, blue, purple)

2.5) Idagdag ang iyong detalye sa payment gaya ng bank account information o mag-attach ng photo sa QR Code para I-accept ang payment mula sa customer sa iyong inbox.
Maaari kang magdagdag ng mga detalye ng iyong payment sa “Payment Instructions” box, ang impormasyong ito ay ipapadala sa mga customer sa kanilang inbox kapag bumibili. I-click sa checkbox kung tumatanggap ka ng bank transfers at/o cash on delivery.
Malayang magdagdag ng mga picture ng iyong account number at mag-transfer ng mga detalye para madaling mahanap ng iyong mga customer ang impormasyon.

2.6) Punan ang iyong contact information, ang impormasyong ito ay ipinadala sa iyong mga customer sa pamamagitan ng inbox.

Pagkatapos mong makumpleto ang pagpunan sa impormasyon, awtomatikong I-save ng system ang ibinigay na impormasyon.
3. I-set up ang Impormasyon sa Delivery
Ang pagse-set up ng impormasyon sa delivery ay ginagawang mas mabilis at mas madali ang proseso ng paghahatid. Ang default na set up ng page ay free shipping, maaari mong baguhin ang impormasyon sa pagpapadala at itakda ang iyong rate ng delivery sa pamamagitan ng drop-down na menu.
3.1) Pumunta sa page na “Shop Setup”

3.2) I-scroll down sa seksyong Shipping Setup.

3.3) Piliin ang iyong gustong option sa rate ng pagpapadala “Fixed Flat Rate”, “Amount Based Rate”, “Weight Based Rate” o “ Quantity Based Rate”. Awtomatikong I-save ng system ang iyong napili..
