Ang pagse-set up ng mga welcome message at quick replies sa iyong mga customer ay maaaring maging kapaki-pakinabang dahil ang iyong mga customer ay hindi na kailangan na maghintay ng mga response at maaaring makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyong business nang mas mabilis. Ang welcome message at mga quick reply ay ipinapadala sa mga customer kapag sila ay nagpasimula ng pag-uusap o mensahe sa iyong pahina.
1. Pambungad na mensahe
1.1) Buksan ang <Kaojao.com> pagkatapos ay piliin ang button na “Auto-response System”.
1.2) Piliin ang page kung saan mo gusto i-set up ang mga auto-replies, pagkatapos ay i-click ang “I-manage”.
1.3) Pumunta sa “Auto Replies” at i-click ang “Inbox Setup”
1.4) Mag-scroll pababa sa “Welcome Message at Quick Reply Buttons”
Maaring magdagdag sa iyong welcome message at quick reply messages dito, maaari ka ring magdagdag ng hanggang 10 keyword o mga frequently asked questions at ang responses nito sa text o photo.
*Narito ang isang halimbawa kung paano makikita ang iyong mensahe sa kanilang messenger chatbox:
TANDAAN: Maaari mong idagdag ang pangalan ng iyong mga customer at i-personalize ang iyong message sa pamamagitan ng pagdaragdag ng “{{name}}” sa halip ng kanilang pangalan sa iyong mensahe.
2. Reply button sa Messenger
Ang “Reply Button sa Messenger” ay isang mahusay na paraan upang magsimula ng isang pag-uusap sa iyong mga customer. Kapag ang isang customer ay na sa iyong Inbox, madali silang makakapag-tanong o makapag-padala ng mga katanungan batay sa mga keyword na nakatakda sa inbox.
Para ikonekta ang “Reply Button sa Messenger”, tingnan ang mga sumusunod na hakbang:
2.1) Piliin ang page na gusto mong idagdag ang setting, pagkatapos ay i-click ang “I-manage”.
2.2) Sa seksyong “Auto Replies” i-click ang “Inbox setup”.
2.3) Mag-scroll pababa sa seksyong “Reply button sa messenger at Instagram”, pagkatapos ay i-click ang “+ Add button”.
2.4) Idagdag ang iyong gustong message at ang reply batay sa message na iyon.
Ang “Message” ay kung saan maaari mong i-type ang reply na gusto mong makita sa inbox.
Ang “Response Message” ay kung saan maaari kang magdagdag ng quick reply sa message kung i-click ito ng customer. Ito ay maaaring nasa anyo ng mga photo o text.
2.5) Pagkatapos ay i-click ang “I-save” na button upang magdagdag ng mga button sa pamamagitan ng pag-click sa “Add button” na kulay green.
*Narito kung paano makikita sa messenger ang “Reply button”:
Tandaan: Maaari ka lang mag-set up ng isang opsyon sa pagitan ng “Reply Button sa Messenger at Instagram” o “Welcome Message at Quick Reply Buttons”.