I-connect ang Facebook Page

Upang magamit ang mga feature ng Kaojao, ito ay kinakailangan para sa lahat ng mga gumagamit nito na ikonekta ang kanilang Facebook page sa aming platform. Upang ikonekta ang iyong Facebook page, dapat ka munang maging admin ng page. Pagkatapos lamang ay makikita ang page sa setup procedure.

Ang mga sumusunod ay ang mga steps upang ikonekta ang iyong Facebook page sa aming platform:

1. Buksan ang <Kaojao.com> at pagkatapos ay piliin ang function na gusto mo mula sa: Auto-response system, Kaojao Live o Facebook Ads.

2. Pagkatapos ay piliin ang page na gusto mong i-connect sa aming platform.

I-click ang Facebook / Messenger na icon para ikonekta ang iyong Facebook page sa Kaojao.

3. Ipapakita ng system ang lahat ng page na kung saan ikaw ang admin. I-click lamang ang green na button para sa mga page na gusto mong ikonekta.

(Maari mong i-connect ng higit sa 1 page para sa 1 Kaojao Shop)

4. Pagkatapos kumonekta sa Facebook, maaari mong suriin muli ang mga page na iyong ikinonekta sa shop sa pamamagitan ng page-click ng “I-manage”.

5. Pagkatapos ay i-click ang “connect” na button. Kung nakakonekta ang iyong Facebook page sa Kaojao, may lalabas na verified sign sa kanan.

Tandaan: Kahit na walang limitasyon na mga page ang maaari mong ikonekta sa isang store, inirerekomendang ikonekta lamang ang 1 Facebook page sa bawat Kaojao store. Sa ganitong paraan, magagawa mong itakda ang iyong mga gustong response batay sa mga indibidwal na mga page.